Sa isang relasyon, di maiiwasan yung laging nandiyan pero kulang sa pagpaparamdam. Gusto ko yung tipo ng relasyon na wala man diyan sa tabi ko yung taong mahal ko eh ramdam ko pa rin yung pagmamahal at pag-aaruga niya sakin. Yung laging nararamdaman ko yung kalinga niya kahit magkalayo man kami. Di ko kailangan na wala siya lagi sa tabi ko. Kasi alam ko sa sarili ko na mahal ko siya at may tiwala ako sa kanya. Na ako lang din ang mamahalin niya wala ng iba. Di ako magdududa. Kasi sa pinaparamdam niya daig ko pa ang nanalo sa lotto. Nanalo ako. Walang talo. Kasi nakatagpo ako ng taong mamahalin ako kahit pa may mga kamalian ako. Di ako perpekto. Pero ang relasyon na tinatag namin ay habang buhay na mabubuhay. Mawala man ako o siya sa mundong ito. Kahit iniwan na niya ako at kasama na niya ang maykapal. Alam ko na iisa lang ang itinitibok ng puso namin. At ayun ay ang pagmamahal sa isa’t-isa. Dumaan man ang mga taon. Sabihin man nilang tanga ako. At least may saysay ang bawat luha at tawa ko. Kasi may tao akong nakilala gaya mo. ♥